Miyerkules, Disyembre 19, 2012



LAGUNA, SA TANAWIN AY NANGUNGUNA!




Pagsanjan Falls

Nililok na kahoy
Bahay ni Jose Rizal


     Dito sa probinsya ng Laguna, maraming tanawin ang makikita. Mayroong mga natural na tanawin, historikal na tanawin, at marami pang iba. Katulad na lamang ng Talon ng Pagsanjan na napakaganda at dinarayo pa ng mga turista. Nariyan din ang mga manlililok na may napakagagaling at napakahuhusay na mga kamay. 

     Noong nagpunta ako sa Paete, Laguna, namangha ako sa mga manlililok kagaya ni Mang Obet, isang beteranong manlililok. Sabi niya sa akin ay mahirap daw talaga ang paglililok. Kailangan daw ng maraming paghahanda upang ikaw ay makapaglilok. Kailangan mo rin daw ang larawan ng bagay o tao na iyong ilililok at kailangan din na pag-aralan ng mabuti kung paano ito ilililok. Napakaganda pala ang Talon ng Pagsanjan sa malapitan. Nang sinubukan kong maligo rito, nanlamig ako sa lamig ng tubig at sa lakas ng pagbagsak ng tubig sa talon. At dahil dito, ako ay nagkaroon ng sipon.

     Nang ako ay nangangalap ng impormasyon, nakilala ko si Elaine Cruz, residente  ng Paete sa Laguna, at sinabing napakaganda daw talaga ang Laguna. Masarap ang simoy ng hangin, magaganda ang tanawin at nakakapawi ng galit. Ang sabi naman ni Gordon Smith, isang turista, ay mainam daw sa atin na may probinsiyang ganito dahil nakakapawi ng lungkot at init ng ulo ang ganda ng mga tanawin. Sabi naman ni Andrea Palakpak, ang mga pista ang maganda rito. Sa lahat daw ng nakita niyang pista, sa Laguna daw ang pinakamaganda.

     Sila na ang nagsabing maganda sa Laguna. Kaya pumunta na rin kayo dahil mamamangha kayo sa ganda ng Laguna. Mula sa mga pista, sa produkto, sa tanawin hanggang sa mga ugali ng tao ay maganda. Kaya punta na sa Laguna, kung saan kapaligiran ay maganda! 

    
                             
Pista ng Pinya



              
Buko Pie
     

Bangkero Festival

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento